PDA

View Full Version : Ang Bangkay


brawl
05-26-2006, 02:52 AM
posted by: bruchador

Subject: La Lang Nakakatuwa!

Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na

nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe

pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang
kabaong
ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang

mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak,
"Ay,

naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa

Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May
sulat
na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang
nilalaman
ng liham na mula kay Bebeng:



Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa

Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa
kanya
ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway,
ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang
dosenang
spam.

Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng
de-goma
ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni
nanay.
Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay.
Para
sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi
natunaw.

Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni
ate.
Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay

Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng
pokemon

trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren,
apat
na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at
tig-iisaangmga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.


Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga

dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps
sa
may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy.
Bigyan
nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay
Pareng Tulume.


Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni
nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang
ream
ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni
nanay.


Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid,
isang

Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang
nakasiksik
sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.



Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang
tatak)gustong-gusto
ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong

inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra.
Ang
Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike
na

wristband. Kunin mo agad, Itay.



May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759

dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing
iyon.



Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay
si

Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may

nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay
suot-
suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang

nailcutter kay Jay bakla sa kanto.





Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3
diyamante
sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na
ang

mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.





Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si
nanay
pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong,
ditse.

Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na
lang
siya rito.



Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email
ko.


Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.





Nagmamahal,

Bebeng