SABOG25
09-05-2006, 09:09 AM
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Sir? Si Teban po ito, ang yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Teban, ikaw pala. Bakit napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong aso."
"Yung aso kong si Dagul, patay? Yung nanalo sa dog show?
"Opo, Sir, yun na nga > po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa asong yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Teban?"
"E, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubig???"
"Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?"
"Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay nyo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."